Sinisilip na rin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isa pang isyu ng human trafficking, kung saan biktima ang mga pilipinong nire-recruit na magtrabaho sa cambodia at laos para sa cryptocurrency scams.
Ito ang sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan ‘Toots’ Ople, matapos mailigtas ang 12 Pilipino mula sa sindikatong nagpapatakbo sa Myanmar.
Ayon kay Ople, hindi lamang Myanmar ang binabantayan nila ngayon kundi ang Cambodia, Laos at iba pang bansa sa Southeast Asia.
Sinabi naman ni Ople na agad naglabas ng advisory ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA), para sa mga OFWs upang balaan ang mga ito laban sa illegal online recruitment.