May mga Mafia at sindikato sa National Food Authority.
Ito ang binigyang diin ni SINAG President Rosendo So matapos na may mga ulat na nagbebenta ang ahensya ng libu-libong toneladang NFA rice sa isang negosyante na sobrang baba ng presyo at lugi ang gobyerno.
Una nang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Junior na may mga opisyal ng NFA ang nagbigay permiso sa bentahan ng milled rice na nakaimbak sa warehouse sa halagang P25 kada kilo ng walang bidding at makaraang mabili ang palay sa halagang P23 per kilo.