Paiimbestigahan ng Department of Social Welfare and Development ang umano’y hindi wastong pamamahagi ng pondong pantulong sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.
Ayon kay, DSWD Secretary Judy Taguiwalo, napag-alaman nilang may 200,000 claimant ng post-Yolanda emergency shelter assistance ang hindi nakatanggap ng anumang tulong pinansyal.
Nailabas dapat, aniya, ang pondo at hindi ilang taon matapos ang naturang kalamidad.
Dahil dito, sinabi ni Taguiwalo na magsasagawa ng internal assessment ang kanilang ahensya ng mga donasyong ibinigay sa DSWD para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda 3 taon na ang nakalilipas.
Sa November 8 nakatakdang ilabas ng DSWD ang kanilang report hinggil sa Yolanda funds.
By: Avee Devierte