Dinakip ng Indonesian police ang isang negosyante matapos umanong ipapatay ang dalawang journalists sa Northern Sumatra Province, Western Indonesia.
Kinilala ang suspek na si Wibharry Padmoasmolo na itinuturong utak sa pagpatay sa mga biktimang sina Maraden Sianipar at Maratua Siregar.
Sina Sianipar at Siregar ay natagpuang wala nang buhay at tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan sa Labuhan Batu area noong nakaraang linggo.
Bago ang pamamaslang ay namagitan ang dalawang mamamahayag sa land dispute sa pagitan ng kompanya ni Padmoasmolo at ng mga residente sa lugar.
Sa paunang imbestigasyon, apat na lalaki umano ang binarayan ni Padmoasmolo ng halos 3,000 pisong dolyar para isakatuparan ang naturang krimen.