Laglag sa kamay ng NBI sa Tagbilaran, Bohol ang 2 miyembro ng drug syndicate na umanoy pinamumunuan ni Kerwin Espinosa.
Kinilala ni NBI Bohol Chief Rennan Augustus Oliva ang mga suspek na sina Victor Aguilar at Marlowe Dano na nagbenta ng droga sa isang poseur buyer malapit sa isang bus terminal sa Tagbilaran city.
Sinabi ni Oliva na tinangka pang tumakas ng mga suspek sakay ng isang motorsiklo matapos maamoy ang entrapment operations ng NBI.
Nagre-report aniya ang mga suspek sa isang supervisor na siyang may direktang komunikasyon kay Espinosa at mga transaksyon ng illegal drugs ay idinadaan aniya sa pamamagitan ng money transfer.
Nasabat sa mga suspek ang ilang pakete ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Tatlong Daang Libong (300,000.00) Piso, 2 caliber 45 pistols at mga bala.
By: Judith Larino