Iimbestigahan ng House Committee on Good Government ang di umano’y midnight contract sa pagitan ng ERC o Energy Regulatory Commission at Meralco.
Bilang tugon ito ng komite sa resolusyon ni Bayan Muna Representative Isagani Carlos Zarate na kumukuwestyon sa extension na ibigay ng ERC sa CSP o Competitive Selection Process para sa pagpili ng power distributor na tulad ng Meralco.
Ang CSP ay napag-alamang dapat nagtapos na noong Nobyembre 6, 2015 subalit nakapagtataka di umanong na extend pa ito hanggang Abril 30, 2016.
Dahil sa extension na ibinigay ng ERC sa CSP, nagawa umanong makuhang muli ng Meralco ang power supply agreement na tatagal ng dalawampung (20) taon nang walang public bidding.
Kaugnay nito, pinagpapaliwanag na ng komite ang ERC at Meralco sa alegasyong midnight contract ang pinasok nilang PSA o Power Supply Agreement.
By Len Aguirre | Ratsada Balita Program (Interview)