Isa umanong miyembro ng New People’s Army ang patay matapos makipagsagupaan sa militar sa bayan ng Cauayan, Negros Occidental.
Ayon kay Capt. Kim Apitong, Officer-in-Charge ng 3rd Infantry Division-Public Affairs Office, dakong ala-6 kahapon ng umaga nang maganap ang engkwentro sa Sitio Bajay, Barangay Caliling.
Isinumbong anya ng ilang residente ang pagsulpot ng mga hinihinalang rebeldeng komunista sa kanilang lugar.
Agad sumaklolo ang 15th Infantry Battalion ng Philippine Army at naka-engkwentro ang nasa 10 miyembro ng NPA.
Tumagal ang sagupaan ng 15 minuto na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga rebelde.
Narekober naman ng mga otoridad sa encounter scene ang isang M4 rifle.