Pormal na inireklamo sa Office of the Ombudsman si Quezon City Rep. Alfred Vargas dahil sa umano’y maanomalyang proyektong pabahay sa lungsod.
Kasong Grave Misconduct at Act Prejudicial to the Best Interest of Service ang isinampa ng mga galit na naghain ng reklamo salig sa Section 24 ng Republic Act 6770.
Naglakas loob ang mga nabiktima ng naturang proyekto matapos itong ibunyag ni Quezon City Councilor Allan Francisco sa Konseho nuong Pebrero a-14.
Isiniwalat ni Francisco ang maanomalyang proyekto ni Vargas na siyang inilapit sa kaniya ng mga nabiktima na nakuhanan ng pera.
Kasama sa naghain ng reklamo ang isang abogado na siya na ngayong tumatayong legal counsel at nagmagandang loob na tulungan ang mga biktima. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)