Nadiskubre ng Philippine Army ang pabrika ng mga improvised na bomba sa ikinasang operasyon sa Shariff Saydona Mustapha Town, Maguindanao.
Ayon kay Army’s 6th Infrantry Division Commander, Major General Juvymax Uy, nakuha mula sa nasabing pabrika ang 12 assorted container-type imrovised bombs, blasting caps, ilang gramo ng ammonium nitrate, ammunition, laboratory test tube glasses at iba pa.
Naniniwala naman si Uy na ang operasyon ng paggawa ng bomba ay pinapatakbo ni Ustadz Esmael Abdulmalik, pinuno ng Torayfe Group na iniuugnay sa Daulah Islamiyah Terrorist. – sa panulat ni Airiam Sancho