Tinitignan na ng Estados Unidos ang umano’y pagkakasangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa umanoy Davao Death Squad.
Ito ay matapos ang naging pagbubunyag ng dating miyembro ng DDS na si Edgar Matobato na ang Pangulong Duterte ang nasa likod ng libu-libong pagpatay noong alkalde pa ito ng lungsod ng Davao.
Ayon kay US State Department Deputy Spokesperson Mark Toner, matindi ang mga naging akusasyon ni Matobato na dapat aniyang seryosohin.
Kasabay nito, nanawagan naman ang US based watchdog na Human Rights Watch na hayaan ang United Nations na imbestigahan ang mga paratang ni Matobato laban sa Pangulong Duterte.
By Ralph Obina