Itinuturing ng Armed Forces of the Philippines o AFP na pawang alegasyon lamang ang inilabas na report ng Amnesty International (AI) hinggil sa umano’y iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao ng militar sa panahon ng bakbakan sa lungsod ng Marawi.
Ayon kay AFP Spokesman, Major General Restituto Padilla, mas maigi kung maghain na lamang ng reklamo ang AI o sinuman sa gitna ng samu’t saring akusasyon ng pang – aabuso na ibinabato sa hanay ng militar.
Mananatili aniyang alegasyon ang ulat ng Amnesty International hangga’t walang kongkreto at pormal na reklamo hinggil sa inilabas nitong ulat ng paglabag sa karapatang pantao.
Aminado si Padilla na “disturbing” ang ganitong uri ng mga bintang lalo na sa akusasyon ng sexual abuse.