Mariing itinanggi ng Philippine National Police o PNP ang akusasyong tinaniman nila ng ebidensya ang naarestong National Democratic Front (NDF) consultant na si Rafael Baylosis.
Ayon kay Dela Rosa, hindi na bago ang mga nasabing depensa ng mga naaaresto at may nakita naman talagang armas kay Baylosis partikular na ang mga baril at granada.
Giit pa ni Dela Rosa, lehitimo ang ginawang operasyon ng kanyang mga tauhan at legal ang pag-aresto sa rebelde.
Payo ni Dela Rosa kay Baylosis, harapin na lamang nito ang kaso laban sa kanya.
Nakatakdang sampahan ng kaso sina Baylosis sa Lunes, Pebrero 5, sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).
Samantala, inilipat na ng kulungan sina Baylosis gayundin ang kasamahan nitong si Guillermo Roque ngayong hapon, Pebrero 2, mula sa CIDG – NCR detention cell, patungo sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa loob pa rin ng Camp Crame.