Walang masama sa umano’y pagtatayo ng China ng maritime rescue center sa South China Sea.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Salvador Panelo at sa halip ay dapat pa ngang ipagpasalamat ng lahat ng mga bansang nakapaligid sa south china sea ang nasabing hakbang ng China.
Nangangahulugan ito aniya na matutulungan ang mga mangingisdang Pilipino at mula sa mga kalapit bansa sakaling maipit sila sa hindi inaasahang sitwasyon sa kalagitnaan ng karagatang sakop nang pinag aagawang teritoryo.
Gayunman, inihayag ni Panelo na dapat ay ipinagpaalam muna ng China sa gobyerno ng Pilipinas ang pagtatayo ng nasabing istruktura bagama’t binibigyan naman aniya nila ng benefit of the doubt ang China.
Sinabi ni Panelo na ibang usapin na kapag hindi tinupad ng China ang layunin ng nasabing maritime rescue center.
—-