Tinawag na fake news ng 84 na abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) ang napaulat na umano’y panawagan nilang suspendihin ang kanilang pinuno na si Atty. Percida Acosta at si Forensices Chief Dr. Erwin Erfe.
Batay sa manifestong inilabas ng PAO lawyers, itinanggi ng mga ito na may ginawa silang dokumento para suspendihin si Acosta at Erfe dahil sa umano’y kurapsyon.
Gawa-gawa lang anila ng ibang tao na may sariling interes ay may pakana sa manifestong isinumite sa Office of the Ombudsman.