Itinanggi ni dating NDRRMC Executive Director at kasalukuyang Housing Secretary Eduardo Del Rosario ang ulat na binabaan ang bilang ng nasawi sa super typhoon Yolanda noong Nobyembre ng 2013.
Sa pagharap ni Del Rosario sa Commission on Appointments, kanyang sinabi na tama ang iniulat na bilang ng casualties sa pananalasa noon ng Yolanda kung pagbabatayan ang datos ng NDRRMC.
Aniya, umaabot sa 7,500 ang bilang ng nasawi sa super bagyong Yolanda alinsunod na rin sa ginawang validation ng mga local government unit’s.
Sinabi ni Del Rosario, wala silang natanggap noon na anumang utos na babaan ang ipalalabas na bilang ng nasawi sa naturang sakuna.