Patuloy pang sinusuri ng World Health Organization (WHO) ang umano’y natuklasang gamot na nakapagpabuti sa lagay sa kalusugan ng isang pasyenteng may novel coronavirus (nCoV) sa Thailand.
Ito ang iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III matapos maiulat na gumaling mula sa novel coronavirus infection ang isang 71-taong gulang na Chinese nang pa-inumin ng pinaghalong anti-flu drug na oseltamivir at HIV antivirals lopinavir at ritonavir.
Ayon kay Duque, wala pang malinaw na batayan ang nabanggit na ulat at patuloy pa rin ang ginagawang pananaliksik at pag-aaral hinggil dito.
Kasalukuyan din aniyang nagsasagawa ng validation sa usapina ang WHO.