Labag sa batas ang umano’y pagsasagawa ng profiling ng pulisya sa mga community pantry organizers.
Ayon kay National Union of People’s Lawyers (NUPL) President Edre Olalia, paglabag ito sa basic constitutional rights at wala aniyang batas o ordinansa na nagpapahintulot sa naturang gawain.
Hindi rin anya obligado ang isang indibiduwal, at may karapatan din itong tumanggi, na sagutan ang ganoong mga uri ng form.
Hinikayat naman ng NUPL ang mga abogado at law students na kumilos upang maprotektahan ang mga community pantries mula sa aniya’y police harassment.