Itinanggi ng Philippine National Police (PNP)-National Capital Region Police Office (NCRPO) ang alegasyon na nagsasagawa sila ng profilling ng mga estudyanteng Muslim sa Metro Manila.
Ayon kay Police Major General Debold Sinas, hepe ng PNP-NCRPO, kumukuha lamang sila ng statistics sa bilang ng mga estudyanteng Muslim sa highschool at college.
Gagamitin anya nila ito para magsagawa ng interventions at mga programa na magpapatatag sa Salaam Police Center.
Sinabi ni Sinas na itinatag ang center para sa monitoring, networking, at pagtutulungan ng Muslim communities at iba pang komunidad laban sa terorismo at karahasan sa kani-kanilang lugar.
Una nang nabunyag ang January 31 memorandum ng Manila Police District sa mga himpilan ng pulisya na magsumite ng listahan ng mga estudyanteng Muslim sa kanilang nasasakupan.
Matatandaan na umani rin ng batikos ang di umano’y profilling na ginagawa naman ng Makati Police sa mga transgender women sa syudad.