Inatasan ng Korte ang mga umano’y recruiter ni Mary Jane Veloso, ang filipina na nasa deathrow sa Indonesia, na magkomento sa mga inilatag na tanong ng prosekusyon para dito.
Kasunod ito ng pasiya ng Korte Suprema na payagan si Veloso na tumestigo sa pamamgitan ng deposition paper laban sa kanyang mga recruiter na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao.
Sa ipinalabas na kautusan ng Nueva Ecija Regional Trial Court branch 88, binibigyan sina Sergio at Lacanilao ng 5 araw matapos matanggap ang kautusan para makapaghain ng komento sa mga tanong para kay Veloso.
Oras na mabigo ang2 akusado, ikukunsidera na ito bilang non-objection o walang pagtutol.
Batay sa ulat, agad na isinumite ng prosekusyon ang mga panukalang tanong para sa direct examination kay Veloso matapos ng naging ruling ng Korte Suprema noong October 15.
Gayunman, naghain ng urgent motion ang mga abogado nina Sergio at Lacanilao na humihiling na ipagpaliban ang kautusan dahil hindi pa anila pinal ang desisyon ng Korte Suprema.