Itinanggi ng Malakanyang na umano’y pabuya sa mga opisyal ng gobyerno ang Japan trip kung saan kasama si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang matagumpay na midterm elections.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, may kanya-kanyang nakaatang na responsibilidad at trabaho ang bawat kasama sa delegasyon ng pangulo.
Giit pa ni Medialdea, kung mapapansin din ay halos wala sa mga kampanya ang mga opisyal ng gobyerno na kasama sa Japan trip ng presidente kaya’t malabo itong isang maging pabuya.
Nauna rito, inihayag ni Philippine Ambassador Jose Laurel na aabot sa 200 ang opisyal at staff na kasama ni pangulong duterte sa kanyang biyahe sa japan para dumalo sa 25th International Conference on the Future of Asia batay sa imbitasyon ng Nikkei, Inc.
Pero batay sa opisyal na listahang inilabas ng Malakanyang, 16 na miyembro lamang ng gabinete ang kasama ni Pangulong Duterte sa kanyang Japan trip, hindi kasama dito ang business delegation.