May Go signal ng tanggapan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga umanoy sinasabing junket trips ng pinuno ng PCUP o Presidential Commission for the Urban Poor.
Sinabi ni PCUP Chairperson Terry Ridon na lahat ng biyahe niya para dumalo sa mga international conference may kaugnayan sa urban poor ay sakop ng travel authorities na inisyu ng Office of the President at inirekomenda ng Office of the Cabinet Secretary.
Ayon kay Ridon ang mga dinaluhan niyang conference ay mayruong multi agency delegation na kinabibilangan ng mga ahensya sa ilalim ng OP tulad ng PCUP.
Ang pahayag ni Ridon ay matapos ibunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte na nakalabas na ng bansa ng pitong beses ang pinuno ng PCUP simula nang appointment nito.