Itinanggi ng isang contractor ang ulat na mga substandard housing ang kanilang ipinatayo para sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda.
Sa hearing ng House Committee on Housing and Urban Development, iginiit ni Juanito Tayag, owner ng JC Tayag Builders Incorporated na walang katotohanan ang alegasyon ng isang Camilo Salazar na substandard materials ang ginamit sa konstruksyon ng mga housing unit.
Hindi naman anya Engineer si Salazar para sabihing substandard ang materyales bagkus isa itong foreman na sinibak sa trabaho dahil sa kabiguang sumunod sa plano.
Gayunman, aminado si Tayag na isa sa kanilang housing project sa Balangiga, Eastern Samar ay substandard.
Samantala, nilinaw ni Tayag na ang “rugged terrain” sa Leyte at Samar ang dahilan ng mabagal na konstruksyon ng mga bahay.
Magugunitang sinupalpal ni Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez, Chairman ng kumite ang “USAD-Susóng Implementasyon” at “substandard” construction ng mga Yolanda housing unit, halos apat na taon simula nang manalasa ang pinaka-malakas na bagyo sa kasaysayan.
SMW: RPE