Inabswelto ng Korte ang Administrative Officer ng Maguindanao Provincial Engineering Office na dinakip nuong nakaraang buwan dahil umano sa pagkakasangkot nito sa Mamasapano Incident na ikinasawi ng 44 na SAF Members.
Nakasaad sa inilabas na desisyon ni Judge Annabel Piang na ‘mistaken identity’ o maling tao ang inaresto ng mga otoridad nuong November 22 kaya iniutos ang agarang pagpapalaya sa napagkamalang suspek na si Alex Julero Ampatuan.
Nauna rito , sinabi ng PNP na dinakip ng mga pulis si Ampatuan matapos itong manmanan dahil sa natanggap nilang intelligence report kaugnay sa pagkakasangkot nito sa krimen.