Nagsalita na ang umano’y third party sa hiwalayan ng content creator na si Zeinab Harake at rapper na si Skusta Clee.
Ayon kay Evette Wilson, ‘magkaibigan’ lang sila ni Skusta na nagsimula pa noong dumadalo ito sa event na kaniyang ino-organisa.
Sa larawan namang kumalat na couple shirt nila ni Skusta, sinabi ni Evette na pinabili lang ito ng rapper sa US at isinuot sa airport nang dumating siya sa Pilipinas.
Witness naman ang Evette sa magulong relasyon ng dalawa at nananatiling neutral dito.