Inirereklamo ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) ang umano’y VIP treatment kay retired Army Major General Jovito Palparan sa New Bilibid Prison.
Matatandaang sinentensiyahan na makulong hanggang 40 taon si Palparan dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention kina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.
Ayon sa NUPL, patuloy ang ginagawang pang-iinsulto ni Palparan sa justice system ng bansa dahil sa tinatamasang special privilege nito sa loob ng kulungan.
‘Di umano ay overstaying na si Palparan sa directorate for reception and diagnostics kung saan ine – evaluate ang mga inmates ng hindi lalampas ng 60 araw.
Nagsisilbi umanong gobernador o mayor de mayores si Palparan sa mahigit 1,500 mga inmates doon.
Kaugnay nito, humirit ang grupo sa Malolos City Regional Trial court branch 15, kung saan dinidinig ang kasong kidnapping laban kay Palparan para sa magsasakang si Raymond Manalo, para itigil ang special treatment sa dating Heneral.