Ipinahiwatig ng Malacañang na malaki ang pag-asang matatanggap na ng mga kawani ng gobyerno ang inaasam na dagdag sahod.
Ito’y sa kabila ng pagkadiskaril at hindi paglusot sa Kongreso ng panukalang Salary Standardization Law o SSL 4 dahil inabutan na ng pagsasara ng sesyon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, pinaplantsa na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Benigno Aquino III sa pagpapatupad ng unang tranche ng salary adjustment para sa mga kawani ng gobyerno.
Aabot sa halos P58 bilyong pisong pondo mula sa 2016 national budget ang inilaan para sa unang bugso ng SSL 4.
Maliban dito, maglalaan din ang DBM ng kahalintulad na proposed national expenditure program para sa susunod na taon para naman sa ikalawang bugso ng umento sa sahod.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)