Patuloy na iginigiit ng mga guro ang umento sa kanilang sahod.
Sa gitna na din ito, ayon kay Benjo Basas, chairperson ng TDC o Teachers’ Dignity Coalition, nang pagdiriwang ng World Teacher’s Day ngayong araw na ito.
Sinabi sa DWIZ ni Basas na patuloy din ang apela nila na i-prioritize ang mga pampublikong guro na dapat nang taasan ang suweldo, hindi lamang ang ibang nasa gobyerno.
Ipinabatid ni Basas na maging sa panukalang 2018 national budget ay hindi pinondohan ang dapat na dagdag suweldo ng public school teachers.
Pilit nating nire-reconcile ito, pilit nating sinasabi. Of course, ang justification ng gobyerno rito, kasi ang mga pangunahing personnel staff, doon din sa mga pangunahing din na mga agenda ng gobyerno eh of course ‘yung mga law enforcement unit and security sector.
So, madali sanang intindihin kung bibigyan ng patas na pagtingin ang lahat, including the civilian personnel, including of course, we have to prioritize ‘yung public school teachers, that’s the essence of today’s celebration of World Teacher’s Day kaya ‘yan ‘yung message namin sa ating Pangulong Duterte.