Isinumite na ng Malacañang sa Kongreso ang panukalang magtataas sa sahod ng mga kawani ng pamahalaan.
Dalawandaan at dalawampu’t anim (226) na bilyong piso ang inilaan ng gobyerno bilang compensation increase sa ilalim ng Salary Standardization Law of 2015.
Ayon kay Budget Secretary Florencio Butch Abad, hahatiin sa apat na bahagi ang nasabing umento sa sahod kung saan, saklaw din nito ang may mahigit 1 milyong sibilyan, uniformed personnel at militar.
Bukod sa umento sa sahod, nakasaad din sa compensation package ang mid-year 14th month pay at enhanced performance based bonus system.
Sakaling maisabatas, inaasahang makatatanggap ng 27 porsyentong dagdag sahod ang mga manggagawa ng gobyerno.
By Jaymark Dagala