Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang 31 pesos na dagdag sa sahod ng mga manggagawa sa Central Visayas.
Dahil dito, magiging 435 pesos na ang minimum sa arawang sahod ng mga non-agricultural worker habang 425 pesos naman para sa agricultural workers sa Region 7.
Bukod pa diyan, aprubado narin ang 500 pesos na dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay kaya magiging 4,500 pesos hanggang 5,500 pesos na ang magiging sahod nila kada buwan.
Nakatakda namang isumite ang wage order upang talakayin at busisiin ng National Wages and Productivity Commission.