Malabong magkaroon ng umento sa sahod ang mga nurse sa mga pampublikong ospital sa susunod na taon.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito’y dahil ang nabanggit na salary adjustment ay hindi nakapaloob sa isinumiteng proposed budget ng Department of Health o DOH para sa 2020.
Nangako naman si Duque na isasama nila ang umento sa sahod ng mga nurse sa ipapasa nilang panukalang budget para sa 2021.
Gayunman, nilinaw ni Duque na maisasakatuparan lamang ito kung may ipapasang batas ang mga kongresista ukol dito.
Magugunitang naglabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagsasaad na dapat ay sa mahigit 30,000 piso ang buwanang sahod ng mga nurse sa mga pampublikong ospital.