Umento sa sahod pa rin ang pangunahing concern ng mga Pilipino.
Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng Pulse Asia kung saan apatnapu’t limang (45) porsyento ng mga Pinoy ang pangunahing isinasa-alang alang ang ukol sa salary hike.
Mas mababa ito ng isang (1) porsyento kumpara sa survey noong Setyembre.
Pangalawa naman sa mga pangunahing isinasa-alang alang ng mga Pinoy ay ang ukol sa inflation na nasa 34 percent, pumapangatlo ang pagpapababa ng kahirapan, pang apat ang paglikha ng trabaho at paglaban sa kurapsyon na nasa 31 percent.
Samantala, ang mga isyu naman ukol sa charter change at terorismo ang pinaka-hindi naman isinasa-alang alang ng mga Pinoy.
By Ralph Obina