Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, kontroladong presyo ng mga bilihin at bawasan ang kahirapan sa bansa.
Ito ang hiling ng mayorya ng mga Pilipino na pagtuunan ng pansin ng administrasyong Duterte batay sa March 2018 8 ulat ng bayan survey ng Pulse Asia.
50 porsyento at 45 porsyento sa kanilang respondents ang naniniwala na ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa at pag-control sa inflation ang pinakamahalagang isyu na dapat resolbahin ng kasalukuyang administrasyon.
Habang 35 porsyento at 32 porsyento naman ang naniniwalang dapat mabawasan ang kahirapan ng mga Pilipino at gumawa ang gobyerno ng mas marami pang trabaho.
Isinagawa ang nasabing survey sa 1,200 respondents na 18 pataas ang edad noong Marso 23 hanggang Marso 28.