Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang dagdag-sahod sa Region 4-a o Calabarzon at Region 7 o Central Visayas.
Ayon sa Department of Labor and Employment, pinagtibay ng national Wages and Productivity Commission ang dagdag na 21 hanggang 75 pesos sa arawang sahod sa Calabarzon.
33 hanggang 43 pesos ang posibleng itaas ng daily minimum wage sa Central Visayas.
Epektibo na sa Setyembre a-30 ang umento sa sahod sa Region 4-A habang sa Oktubre a-2 naman ito magkakabisa sa Region 7.