Hindi uubrang ipagbawal ang mga fraternity at sorority kahit pa marami nang estudyante ang nasawi dahil sa fraternity hazing.
Sa panayam sa Senado binigyang diin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na malinaw sa konstitusyon ang karapatang bumuo ng mga katulad na samahan o kapatiran.
Kasunod ito nang paglutang ng mga panukalang tuluyang ipagbawal at gawing krimen ang pagbuo ng fraternity matapos masawi sa umanoy hazing si UST Freshman Law Student Horacio Castillo the third.
Bukod pa ito sa panukalang amiyendahan at palakasin ang anti hazing law para hindi na masundan ang mga nasawi dahil sa hazing.
Sinabi ni Aguirre na sapat na ang umiiral na anti hazing law at mayruon na ring mga nakulong dahil sa nakapatay sa hazing.
Bilang fraternity member may panukala naman si Senador Richard Gordon para maiwasang may maging biktima muli ng hazing.
SMW: RPE