Walang magbabago sa umiiral na curfew hours sa Metro Manila.
Ito ayon kay MMC Chairperson at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez kung saan mananatili ang curfew mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw
Iiral ito hanggang June 15 kasabay ng pag-iral ng general community quarantine.
Ani Olivarez, pagkatapos ng June 15 ay muling magkakaroon ng assessment kung saan pagbabatayan ang datos na magmumula sa Department of Health.
Una rito isinailalim ang NCR plus sa GCQ “with restrictions” mula June 1 to 15.