Nasa “decaying” stage o papahina na ang umiiral na El Niño batay sa karamihan ng climate models ayon sa PAGASA.
Dahil ditto, posible nang bumalik sa neutral condition ang panahon pagsapit ng Agosto.
Sa ilalim ng neutral condition ay walang umiiral na El Niño o La Niña.
Magugunitang simula pa noong Pebrero umiiral ang El Niño.
Samantala, ayon sa PAGASA, asahan sa susunod na anim na buwan ang pagpasok sa Philippine area of responsibility ng nasa pito (7) hanggang 11 bagyo.