Matatapos na sa Miyerkules, Hunyo a-8 ang umiiral na gun ban sa Pilipinas na ipinatupad noong Enero a-9 sa gitna ng 2022 election.
Ayon sa Philippine National Police, sumampa na sa 3, 578 ang bilang nang lumabag sa gun ban sa bansa.
Kabilang sa lumabag ang 27 pulis, 22 sundalo at 61 security guard.
Ang Metro Manila pa rin ang rehiyong nakapagtala ng maraming violator na sinundan ng CALABARZON, Central Visayas, Central Luzon at Western Visayas.
Mula Enero, 3, 364 gun ban operations na ang naisagawa sa Pilipinas.