Asahan na ang posibleng pagpapalawig sa umiiral na batas militar sa Mindanao.
Ito’y ayon kay Senador Richard Gordon ay dahil malabong maresolba ang problema sa Marawi City sa loob lamang ng animnapung (60) araw.
Kumpiyansa naman si Gordon na aaprubahan ng Kongreso ang extension ng martial law sakaling hilingin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit pa ng senador, ang maganda aniya sa ipinatutupad na martial law ay wala pang napapabalitang anumang kaso ng pag-abuso rito.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na maaaring niya palawigin ang martial law sa Mindanao batay sa magiging rekomendasyon ng mga security officials.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno