Tiniyak ni PNP officer-in-charge General Archie Gamboa na magpapatuloy ang lahat ng umiiral na operasyon ng Philippine National Police (PNP).
Tinukoy ni Gamboa ang anti-illegal drugs operation, anti-criminality campaign, anti-corruption at iba pa.
Inilatag ni Gamboa ang kanyang mga tungkulin bilang officer-in-charge ng PNP.
The leader, or leadership in the PNP is just one thing, there are still a lot of things that should be look into, so, hindi naman ibig sabihin na nagpalit ‘yung chief, biglang bumitaw, etcetera, that we say ‘o, stop tayo muna,’ ani Gamboa.
Kasabay nito, nanawagan sa lahat ng pulis si Gamboa na ipagpatuloy ang pagganap sa kanilang tungkulin bilang mga tagapagpatupad ng batas.
Ayon kay Gamboa, anuman ang nangyayari ngayon sa PNP bilang isang organisasyon ay pansamantala lamang.
This is a temporary sequence of events that’s going to happen in the next few days, this is a transition,” ani Gamboa.