Binigyang diin ni Senadora Cynthia Villar ang pangangailangan para muling pag-aaralan at baguhin na ang umiiral na overseas employment program ng bansa.
Kasunod na rin ito ng pagkamatay ng isang Filipina sa Kuwait kung saan natagpuan ang bangkay nito sa isang freezer matapos ang halos isang taon.
Ayon kay Villar, marami na ang nagbago sa global workforce simula nang ipatupad ang overseas employment program ng bansa, mahigit 40 taon na ang nakalilipas.
Kasabay nito,nagpahayag din ng suporta si Villar sa pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers sa Kuwait,
Iginiit ng Senadora na kung mapapahamak lamang ang Filipino sa Kuwait ay mas makabubuti kung umuwi na lamang sila ng Pilipinas.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio