Malaking hadlang para kay MNLF Chairman Nur Misuari ang umiiral na Warrant of Arrest laban dito, para makaupo sa komisyon na bubuo sa Peace Road Map sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ito ay dahil nananatili pa din na wanted sa batas si Misuari kaugnay sa Zamboanga Siege.
Sinabi ni Dureza na pinag iisipan na din ng mga abogado ni Misuari ang pag rereview sa kaso, upang makita kung papaano siya makakausap ng pamahalaan.
By: Katrina Valle