Inimbitahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider ng United Nations at European Union na imbestigahan ang kinukwestyong nangyayaring patayan sa Pilipinas.
Hinimok ng Pangulo ang mga ito na ipadala ang pinakamamagiling nilang abogado para mag-imbestiga sa pilipinas.
“I am inviting the United Nations, si Bang-Ki Moon, I am inviting the EU, pati ang mga rapporteurs pumunta sila sa Pilipinas, I will write them a letter to invite them for an investigation.” Bahagi ng pahayag ni Pres. Duterte
Pero,iginiit ng Pangulo na matapos ang imbestigasyong gagawin ng UN at EU ay dapat bigyan naman siya ng pagkakataong matanong ang mga ito.
“In keeping with the time honoured principle of the right to be heard, matapos nila akong tanungin, tanungin ko sila, isa isahin ko sila, in open forum, you can use the Senate o yung Folk Arts Center whatever, everybody will be invited tapos manood kayo tingnan nyo kung paano ko lampasuhin yang mga yan”. Bahagi ng pahayag ni Pres. Duterte
By: Ralph Obina