Nagpatawag ng emergency session ang United Nations Security Council matapos magsagawa ng hydrogen bomb test ang North Korea.
Hindi pa umano matukoy ang tunay na lakas ng pagsabog ng hydrogen bomb ng North Korea subalit ayon sa isang Norwegian Group, walong beses itong mas malakas sa Hiroshima bombing noong 1945 kung saan mahigit sa 100,000 katao ang nasawi.
Samantala, nagsagawa naman agad ng live fire drill ang South Korean Army matapos ang ika-anim na nuclear test ng North Korea.
Ginamit ng SoKor ang kanilang Hyunmoo-2A ballistic missile at long range air to ground missiles.
Target ng simulation ang Sea of Japan partikular sa bahagi ng Punggye-ri na siyang nuclear site ng NoKor.
By Len Aguirre