Hinimok ng international group na Human Rights Watch (HRW) ang mga bansang miyembro ng United Nations na silipin ang anito’y lumalalang sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.
Kasunod na rin ito nang pagkasawi ng siyam na aktibista sa ginawang operasyon ng mga otoridad sa CALABARZON.
Ayon sa HRW, dapat ikunsidera ng UN Office of the High Commissioner for Human Rights ang anito’y rapid response unit probe ng nasabing operasyon.
Binigyang diin ni HRW Deputy Asia Director Phil Robertson na dapat panagutin ng United Nations sa nasabing hakbangin.
Una na ring kinundena ng UN ang nasabing insidente.