Binalaan na ng United Nations Department of Safety and Security o UNDSS ang kanilang mga staff laban sa “tanim-bala” modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Pinayuhan din ng UNDSS ang kanilang mga personnel na tiyaking nakabalot ng plastic ang kanilang mga bagahe upang hindi mabiktima ng talamak na pangingikil.
Maging ang ilang dayuhan ay ibinalot na rin sa plastic ang kanilang mga bag.
Kahapon ay apat pang pasahero ang nahulihan ng bala sa NAIA sa kabila ng ipinag-utos na imbestigasyon ng Malakanyang upang matigil na ang sinasabing extortion activities mga umano’y personnel ng NAIA.
By Drew Nacino