Apatnapu’t Walong Filipino Peacekeepers ang pinarangalan ng Department of National Defense dahil sa kanilang kontribusyon sa iba’t ibang Peacekeeping Mission ng United Nations sa nakalipas na taon.
Tatlumpu sa mga pinarangalan ay sundalo habang Labing-Pito ang pulis at isang opisyal ng Department of Foreign Affairs na pawang nagsilbi sa golan Heights, India, Pakistan at Haiti.
Ang parangal sa mga nabanggit na Peacekeeper ay bahagi ng pagdiriwang ng International Day of UN Peacekeepers.
Sa kasalukuyan ay mayroong Isandaan Pitumpu’t Limang pulis at sundalong filipino na naka-deploy sa apat na UN Peacekeeping Missions.
By: Drew Nacino