Pangungunahan ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang delegasyon ng Pilipinas sa ika-70 United Nations assembly sa Oktubre.
Ito’y upang ilatag sa isasagawang high level general debate ang mga ambag ng Pilipinas para sa sustainable development agenda sa taong 2030.
Kasunod nito, nakatakdang makipag-usap si del Rosario sa mga opisyal ng UN partikular kina UNGA President Mogens Lykketoft at UN Secretary General Ban Ki Moon.
Samantala, nakatakda namang gawaran ng honorary doctor of laws degree si del Rosario sa College of Mount Saint Vincent sa New York City sa Setyembre 24.
Ito’y bilang pagkilala naman sa mga naging ambag nito sa foreign policy ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Aquino.
By Jaymark Dagala