Pinayuhan ng United Nations headquarters sa New York ang mga empleyado nito na mag-work from home na lang muna.
Ito’y sa gitna ng patuloy na pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Sec. Gen. António Guterres, sa hakbang na ito ay mababawasan ang “physical presence” sa kanilang opisina.
Mas mabuti umano na maging ganito ang kanilang sistema sa trabaho sa loob ng tatlong linggo upang makasiguro na maingatan ang kanilang mga tao laban sa sakit.
Ngunit sa gitna nito kailangan pa rin umano nilang ituloy ang trabaho at kanilang operasyon.
Una rito nakapagtala na rin ang UN headquarters ng unang kasong ng COVID-19 matapos magpositibo sa sakit ang isang Filipino diplomat.