Nanawagan ang United Nations High Commissioner on Human Rights sa gobyerno ng Pilipinas na imbestigahan na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito, ayon kay High Commissioner Zeid Ra’ad Al Hussein, ay makaraang aminin mismo ni Pangulong Duterte na nakapatay siya ng mga kriminal noong alkalde pa lamang ng Davao City.
Malinaw anyang “murder” ang ginawa ni Duterte na kasong may mabigat na parusa.
Nagkaroon din ng “incitement to violence” sa panig ng Pangulo dahil sa pag-uudyok nito sa iba pang government official partikular ang mga pulis na sundan ang kanyang halimbawa ng pagpatay sa mga hinihinalang kriminal.
By Drew Nacino