Hinimok ng torture prevention body ng United Nations na Sub-Committee of Torture Prevention o SPT, ang Pilipinas, na tugunan na ang problema sa mga siksikang kulungan.
Maliban dito, hinikayat din ni SPT Delegation Head Suzzane Jabbour, ang pamahalaan na lumikha ng karagdagang batas, na mangangalaga sa karapatan ng mga preso.
Una nang ininspeksyon ng SPT, ang mga istasyon ng pulis, pre-trial facilities, mga kulungan, ang Juvenile Rehabilitation Center, Correctional Institute for Women at ang isang psychiatric hospital.
By Katrina Valle | Kevyn Reyes